Brazil nakakuha ng silver medal sa Volleyball World Championship 2022

Brazil nakakuha ng silver medal sa Volleyball World Championship 2022

BIGONG matalo ng Brazil ang defending Volleyball World Champion na Serbia, ngunit panalo naman ito ng silver medal sa nasabing kompetisyon.

Napanalunan ng Brazil ang silver medal sa katatapos lamang na Volleyball World Championship 2022.

Ito ay matapos bigo nitong matalo ang 2 time world champion na Serbia sa tatlong set ng laro.

Sa score na 26/24, 25/22 at 25/17 ay pumangalawa lamang ang Brazil sa kampyeonato na kung saan dinaluhan naman ito ng iba’t ibang bansa.

Sa unang set ng laro ay nakascore and Serbia ng 26 habang nakakuha naman ang Brazil ng 24 puntos.

Panandaliang nalamangan ng Brazil ang Serbia ng 7 puntos sa pangalawang set ngunit agad naman itong nabawi ng kalabang team at natapos nga ang pangalawang set sa score na 25-22.

Samantala, nanguna pa rin ang Serbia maging sa pangatlong set ng laro sa score na 25 to 17.

Netherland at Poland ang kasalukuyang host ng World Cup 2022 na sinalihan ng iba’t ibang bansa sa buong mundo.

Serbia ang itinanghal na kampyeon sa 2022 World Volleyball Cup na sinundan ng Brazil habang pangatlo naman ang Italy matapos nitong matalo ang Estados Unidos.

Follow SMNI NEWS in Twitter