Brazil nakasungkit ng ginto sa World Cup Gymnastics

Brazil nakasungkit ng ginto sa World Cup Gymnastics

NAKUHA ng Brazil ang gintong medalya sa floor exercise sa pagpapatuloy ng World Cup for Artistic Gymnastics Equipment sa Baku, Azerbaijan.

Sa unang paglahok pa lamang ng Brazilian athlete na si Julia Soares sa World Cup for Artistic Gymnastics ay nasungkit agad nito ang gintong medalya.

Masayang ipinagmamalaki ng 16 na taong gulang na si Soares ang kanyang napanalunang gintong medalya sa floor exercises nang mapahanga nito ang mga judges.

Sa puntos na 13,433 ay naging kampyeon ang dalaga sa nasabing kategorya na sinundan naman ng Hungarian athlete na si Dorina Boeczoego sa score na 13,166 habang pangatlo naman ang Uzbek na si Dildora Aripova na nakakuha ng 12,866 na kabuuang puntos.

Samantala, sumabak namang muli ang mga Brazilian gymnast na nanalo sa nakaraang 2019 pan American Games sa Lima, Peru gaya nina Carolyne Pedro, Flávia Saraiva, Lorrane Oliveira, Jade Barbosa at Thaís Fidélis.

Follow SMNI NEWS in Twitter