Brazil, nasa ika-7 ranggo na sa Tokyo Paralympics Games

Brazil, nasa ika-7 ranggo na sa Tokyo Paralympics Games

NAKAKUHA ang Brazil ng 4 na medalya sa nagpapatuloy na Tokyo Paralympics Games sa Japan at ikapito na ito sa may pinakamaraming nakuhang medalya sa kompetisyon.

Sa kasisimula pa lamang na Tokyo Paralympics Games ay nakuha na ng Brazil ang apat na medalya sa swimming competition at nasa ikapitong pwesto na ito sa lahat ng sumali.

Nakuha ni Gabriel Bandeira ang gold medal, silver naman ang napanalunan ni Gabriel Araújo, habang bronze medal naman para kina Daniel Dias at Phelipe Rodrigues na mula lahat sa swimming.

“My life in Paralympic swimming is just beginning. This is just the beginning,’’ayon kay gold medalist Bandeira.

Umaasa naman ang Brazilian Paralympic Committee (CPB) na mananatili ang Brazil sa top 10 sa nasabing palaro kung saan ganoon na ang laging sitwasyon mula pa noong Beijing 2008.

Samantala, nangunguna naman ngayon ang bansang Australia sa pagkamit ng panalo sa kompetisyon kung saan umabot na sa 10 medalya ang nakuha nito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.