NILUWAGAN na ng Brazilian health authorities ang regulasyon nito sa mga paliparan ng bansa.
Matapos ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay niluwagan na ng Brazil ang paghihigpit nito sa lahat ng pumapasok na mga travellers sa bansa.
Ayon sa National Health Surveillance Agency ay malaya nang makapapasok sa bansa ang lahat maging Brazilian man o mga dayuhan na hindi kinakailangang magpakita ng negative COVID-9 test.
Samantala, ngunit sa kabila nito ay kinakailangan pa rin na magpakita ito ng proof of vaccination, printed man o digital.
Paliwanag ng Anvisa ay ipatutupad ito sa lahat ng klase ng transportasyon sa buong bansa.
Dagdag pa nito na mandatory ang complete vaccination kontra COVID-19 bago pa man makapasok ang sinuman sa Brazil, labing apat na araw bago umalis sa bansang pinagmulan.
Samantala, ang lahat naman ng travellers na Brazilians o dayuhan na hindi nakapagkumpleto ng bakuna ngunit residente sa Brazil ay kinakailangang magpresenta ng negative COVID-19 test.