Brazil, pumangalawa sa FIFA ranking 2021

PUMANGALAWA ang Brazil sa FIFA ranking para sa taong 2021.

Sa score na 1826.35 points ay nakuha ng Brazil ang pangalawang pwesto sa FIFA ranking 2021.

Samantala, nakuha naman ng Belgium ang unang spot na may score na 1828.4 kung saan apat na taon na nitong nakukuha.

Pagkatapos ng Brazil ay sumunod naman ang France na may 1786.15 na puntos.

Kahit na nasa pang 40 pwesto ang Canada ay nakuha naman nito ang most improved team ng taon.

Wala namang gaanong nabago sa resulta ng FIFA kumpara sa nakaraang taon na apat na taon nang pinangungunahan ng Belgium, Brazil, at France.

SMNI NEWS