MAGIGING coach ng national women’s team ng volleyball si Brazilian coach at ang dating Olympic gold medalist Jorge Edson Souza de Brito.
Ito ang ibinahagi ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF).
Ayon kay PNVF President Ramon “Tats” Suzara, tutulong si Jorge sa kasalukuyang mentor ng national team na si Odjie Mamon sa loob ng dalawang taon.
Ang hiring ng brazilian coach ay alinsunod sa coaching support para sa technical at tactical development ng national teams project agreement ng Pilipinas at Brazil.
Si Jorge ay miyembro ng koponan ng Brazil na nagwagi ng gintong medalya noong 1992 sa Barcelona Olympics at kalaunan ay nagturo sa koponan ng kababaihan ng Brazil na nakakuha rin ng gintong medalya noong 2008 sa Beijing Olympics.
Ang 54-taong-gulang na si Jorge ay may malawak na karanasan bilang isang coach at nangungunang mga club sa liga sa Brazil mula 2002 at nanalo ng mga titulo at nagtapos ng podium finishes sa Turkey at Japan.
Darating naman ang Brazilian coach sa June o July at ang Federation International Volleyball (FIVB) ang magbibigay ng sweldo nito.