MAHIGIT 10 taon nang miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang Brazilian national na si Mayk Dennis Oliviera.
Mula 2015 hanggang ngayon, buo ang kaniyang paniniwala sa mga turo ng KOJC at sa spiritual leader nito na si Pastor Apollo C. Quiboloy.
Ang kaniyang dalawang nakababatang kapatid na babae at mga magulang ay KOJC members din sa Brazil.
Pero dahil sa patuloy na paninira sa butihing Pastor, ay binasag nito ang kaniyang katahimikan.
“No one who has so much concern about family would be stupid enough to let their younger sisters stay in a place where there is a rapist. No one. There are many accusations about Pastor, saying that he’s a rapist, saying that he doesn’t have love for children—whatever they’re saying,” ayon kay ni Bro. Mayk Dennis Oliviera, Brazilian Full-time Worker, Kingdom of Jesus Christ.
Ayon kay Oliviera, hindi siya magtatagal sa KOJC kung sakaling totoo man ang mga paratang kay Pastor Apollo.
“‘Me, myself, as an older brother, I would never let my whole family, especially my small sisters, be in a place where there is a rapist. If Pastor were really one, I would never be here in the Kingdom. I wouldn’t just keep them away, but I wouldn’t be here myself,” dagdag pa ni Oliviera.
Ang kapwa niyang KOJC full-time worker mula Brazil na si Natalia, nagpasalamat sa tulong ni Pastor Apollo.
Kung wala aniya kasi ang mga turo ng butihing Pastor ay patuloy itong mapapariwara sa buhay.
Lalo na’t puno ng kahalayan sa Brazil.
“Pastor was the one who brought me to the light, and he was also the one who presented me the words of God. Without Pastor, I was lost. I didn’t really care about the existence of God; I didn’t even care about my own life. So, if it was not for Pastor, I would not be here today,” saad ni Sis. Natalia Prado, Brazilian Full-time Worker, Kingdom of Jesus Christ.
Diin ni Prado, kabaliktaran sa mga akusasyon ang tunay na nangyayari sa loob ng KOJC.
Katunayan, itinataas pa nga ni Pastor Apollo ang dignidad at binibigyan ng disenteng buhay ang mga kababaihan sa KOJC.
Dahil dito, mayorya sa KOJC administrators ay kababaihan—tanda ng paggalang ng butihing Pastor sa mga ito.
Kaakibat niyan ang angkop na disiplina.
“He just wants us to grow and be excellent so we can also grow as leaders. But it was never the way they’re saying. Even our father and mother, they also discipline us. If you don’t want to follow what they say, of course, they just want the best for you. That’s why they’re disciplining you,” ani Prado.
Pinag-aaralan na ngayon ng legal counsel ng KOJC ang paghahain ng kaso sa mga bagong lumitaw na naninira sa butihing Pastor.
Ayon kay Atty. Israelito Torreon, mapipilitan silang gawin ito dahil labis na ngayon ang smear campaign sa spiritual leader ng KOJC.
KOJC legal team sa mga naninira: Balang araw, ilalaglag din kayo ng inyong mga handler
“Itong mga complainants na ito alam namin tinuturuan lamang kung ano ano ‘yung isasabi nila. At the end of the day, baka hindi na ito tutulungan ninyo at of course magsasabi na ito eventually ng totoo and ma-unmask kayo,” pahayag ni Atty. Israelito Torreon, Legal Counsel, Kingdom of Jesus Christ.
Sa huli, nanindigan ang mga KOJC worker na aming nakausap na hinding-hindi magbabago ang kanilang paniniwala kay Pastor Apollo.
At kahit anong mangyari, kanilang tatayuan ang kanilang paniniwala na inosente at pawang kabutihan lamang ang hangad ng butihing Pastor sa kaluluwa ng lahat ng tao.
Brazilian KOJC workers: Maraming salamat Pastor Apollo, hinding-hindi ka namin iiwan
“But Pastor, we are all going to stand for you because we know that all of these things are just lies. And we are here with you until the end. Thank you, Pastor, for all your love and for being with us. And thank you, Pastor, for everything,” ayon pa kay Prado.
“So, Pastor, first of all, thank you so much, Pastor. Because you’ve done so much, you’ve done so much to me, to my family. And there are no words really to express everything that you have done for us. Me and my family, our faith is very strong. And I hope you know that we love you. And this is not just coming from my mouth, but it’s coming from my heart and my whole family,” dagdag Oliviera.
“Ang sabi nga ni Pastor, tatag lang lilipas din ito,” ani Torreon.