IPINANAWAGAN ng Philippine General Hospital (PGH) ang breast milk donations para sa mga sanggol na apektado sa sunog kahapon, May 16 na nangyari sa naturang ospital.
Nagkaroon ng sunog sa third floor ng hospital at batay sa isang Facebook post na nai-share ng UP-PGH milk bank, naapektuhan ng sunog ang power ng milk refrigerators nito.
Dahil dito, ayon sa PGH para sa private donors, tumatanggap sila ng mga donasyon sa kanilang PGH Ortoll Primary Reproductive Health Care Center mula lunes hanggang biyernes, hanggang alas singko ng hapon.
Lubos namang nagpapasalamat ang PGH sa lahat na magdo-donate ng breast milk.
Ayon pa sa PGH na nanganganib ang kalusugan ng mga sanggol at may posibilidad pa itong mamatay kung kaya’t nakakatulong ang breast milk donations.