Breastfeeding, maaari pa rin kahit positibo sa COVID-19 ang ina

MAAARI pa ring ipagpatuloy ng mga ina ang breastfeeding sa kanilang mga anak kahit nagpositibo sila sa COVID-19 o may mild symptoms.

Ito ang inihayag ni Dr. Mianne Silvestre ng Healthcare Professionals Alliance against COVID-19.

Ayon kay Silvestre, kailangan lang ng mga COVID-19 positive at asymptomatic mothers na gawin ang preventive measure gaya ng pagsusuot ng face mask, laging paghuhugas ng kamay, pag-disinfect sa mga surface at huwag pag-ubo sa mga bahagi ng kanilang katawan kung saan kadalasan kinakarga ang mga sanggol.

Nilinaw ni Silvestre na nakukuha pa rin ang virus sa pamamagitan ng respiratory, aerosols at droplets.

Inulit din ni Silvestre ang unang pahayag ng ibang eksperto na maaring turukan ng COVID-19 vaccine ang mga buntis at nagpapa-breastfeed na mga babae matapos komonsulta sa kanilang mga doktor.

Una nang sinabi ng Philippine Pediatric Society na maaaring ialok ang lahat ng COVID-19 vaccine sa mga breastfeeding women matapos makipag-usap sa kanilang mga doktor at hindi na kailangan itigil o iwasan ang breastfeeding matapos mabakunahan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.