Brgy at SK elections, magandang masuspendi muna – Usec. Valmocina

Brgy at SK elections, magandang masuspendi muna – Usec. Valmocina

PERSONAL na ninanais ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. for Barangay Affairs Chito Valmocina na suspendehin ang SK at barangay elections.

Naiintindihan aniya ang ninanais ng ilang mga mambabatas at maging si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na gamitin ang pera na igugol dito sa COVID-19 pandemic recovery.

Maliban pa dito ayon kay Usec. Valmocina, kahit palitan ang mga kasalukuyang barangay officials ng panibago, may isyu pa rin naman ang mga ito sa kani-kanilang nasasakupan.

Samantala, sinabi ni Valmocina na tuloy na tuloy ang laban ng pamahalaan kontra iligal na droga at krimen lalong-lalo na sa barangay level.

Ito’y dahil napakaganda ang nasimulan ng Duterte administration sa naturang kampanya.

Ang kaibahan lang nito ani Valmocina sa nagdaang administrasyon ay mas paiiralin sa ngayon ang due process at rule of law.

 

Follow SMNI News on Twitter