MANANATILING buo ang tiwala ni Barangay Ginebra coach Tim Cone kay rookie sensation RJ Abarrientos, sa kabila ng mga hindi magandang shooting performance sa mga unang laban ng PBA Philippine Cup semifinals kontra San Miguel Beermen.
Sa kabila ng kanyang shooting struggles sa Game 1 at 2 kung saan 4-of-21 lang ang pinagsamang tira niya sa field at 1-of-11 mula sa three-point area bumawi ang bente-singko (25) anyos na guard sa Game 3 na may 9-of-19 shooting.
Inamin ni Abarrientos na malaki ang naitulong ng suporta ng coaching staff at mga kakampi niya sa pagbabalik ng kanyang kumpiyansa.
Alam ni Cone na hindi magiging madali ang serye kontra sa Beermen, kaya’t kailangan ng mas malalim na kontribusyon mula sa mga batang manlalaro tulad ni Abarrientos, at hindi lang umasa kina Japeth Aguilar at Scottie Thompson.
Target ng Ginebra ang 3-1 series lead sa muling paghaharap nila ng San Miguel sa Game 4 ngayong araw sa SM Mall of Asia Arena.