BAGAMAT hindi pinayagang gumamit ng covered courts at iba pang pampublikong pasilidad ang mga kritiko ng administrasyon sa Camiguin, para sa kanila: no problem.
Kahit saan, basta may espasyo at permiso ng may-ari, nagtitipon-tipon ang mga residente upang maiparating ang kanilang adbokasiya—patunay ng kanilang pagkakaisa at katatagan.
Nitong Abril 27, nagkatipon ang mga taga-suporta ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isang pribadong lugar sa Mambajao, Camiguin, matapos silang hindi bigyan ng pahintulot na gamitin ang mga pampublikong lugar.
Si Grace Cabactulan, isang Camigingnon na 40 taon nang naninirahan sa Netherlands, ang naglakas-loob na i-organisa ang naturang peace rally sa kaniyang pag-uwi sa isla ngayong buwan.
“Bakit ngayon lang kami nag-organize nito? Camiguin has a long history of being intimidated, threatened, and oppressed,” ayon kay Grace Cabactulan, Organizer, OFW mula The Hague, Netherlands.
Bilang Camigingnon, hindi aniya nitong maatim ang patuloy na panggigipit sa kaniyang mga kababayan, lalo na sa mga mahihirap.
Isa si Grace sa mga civic leader na aktibo ring nagtataguyod ng adbokasiya para sa dating Pangulo habang nasa The Hague, Netherlands.
Dagdag pa ni Grace, may malinaw na pattern ng pag-target sa mga kaalyado at sumusuporta kay Duterte.
“There is a pattern to destroy the people who really want to destroy the country. There’s a pattern kay Pastor, kay Sara, kay Digong,” ani Cabactulan.
Ayon naman kay Garee Bacsin, isang retiradong District Supervisor ng Department of Education sa Camiguin, ramdam din nila ang kakulangan sa kalayaan sa pamamahayag sa isla—na para sa kanila, ay sumasalamin sa pinagdadaanan ngayon ni Tatay Digong.
“The event that happened to President Duterte is just like here. Because our government here, the services are not equal,” ani Garee Bacsin, Retired District Supervisor, DepEd Camiguin.
Camigingnon, suportado ang kandidatura ng mga DuterTen at dating NCIP Chairman Allen Capuyan sa Senado
Dahil dito, hayagan na rin ang suporta ng mga Camigingnon sa mga inendorso ni Tatay Digong, kabilang si Pastor Apollo C. Quiboloy sa pagka-senador, at si dating NCIP Chairman at NTF-ELCAC Executive Director Allen Capuyan, na kilala sa pagtataguyod ng karapatan ng mga katutubo at marginalized sectors.
“Ang idol ko si Quiboloy. Matarong na tao si Quiboloy—relihiyoso, may respeto sa Diyos,” saad ni Eugenio “Dodo” Ong, Former Sagay Mayor.
Kasama ang mga lider ng katutubo, mga magsasaka, at simpleng mamamayan, matapang silang naninindigan para sa kanilang mga karapatan.
Dinaluhan ang peace rally ng mga residente mula sa iba’t ibang bayan ng Mambajao, Sagay, Guinsiliban, at Catarman, pati na rin ng mga lokal na kandidato ng Team Kaayuhan, sa pangunguna ng tumatakbong kongresista na si Paul Rodriguez.
Sa kabila ng mga banta, patuloy na umiigting ang ingay ng mga mamamayan para sa tunay na pagbabago. Ang nalalapit na halalan ang magsisilbing sukatan kung saan patutungo ang direksiyon ng bansa.