Britanya, walang planong maghigpit muli ng COVID-19 protocols

Britanya, walang planong maghigpit muli ng COVID-19 protocols

WALANG planong ibalik ng Britanya ang kanilang COVID-19 testing requirement para sa mga byahero lalong-lalo na sa China kahit pa nagkaroon muli dito ng surge.

Sa kabila ito ng muling paghihigpit ng Estados Unidos, Italy o maging ng Japan dahil dito.

Tiniyak pa rin naman ng spokesperson ni Prime Minister Rishi Sunak na imomonitor pa rin nila ang COVID-19 cases sa buong Britanya.

Noong kasagsagan ng 2020 COVID-19 pandemic sa ilalim ng pamamahala ni Boris Johnson ay na-bash ang Britanya dahil sa mishandling nito sa public health crisis.

Follow SMNI NEWS in Twitter