Brokers, importers at facilitators na umano’y sangkot sa large-scale agricultural smuggling, ipapatawag sa Kamara

Brokers, importers at facilitators na umano’y sangkot sa large-scale agricultural smuggling, ipapatawag sa Kamara

IPINA-subpoena ni Sultan Kudarat Rep. Horacio Suansing Jr. ang nasa 10 brokers, importers at facilitators na sabit umano sa large-scale smuggling sa mga local port sa bansa.

Sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means, nais ni Suansing na humarap sa Kongreso ang mga ito ngayong Enero 30 para personal na linawin ang kanilang pagkakasangkot sa smuggling.

Kabilang dito ang isang nagngangalang Michael Ma, Lujene na umano’y suki ng Manila International Container Port, isang Andrew Chang, Beverly Peres, isang nagngangalang Aaron, Manel Tan na umano’y nag-ooperate sa CDO, Subic at Batangas at isang Leah Cruz na nag-ooperate daw sa CDO at MICP.

Ipapatawag din ang isang Jun Diamante, isang Lucio Lim at isang Gerry Teves. large-scale

Ang ilan sa mga ito, mga cartel daw ng sibuyas.

Tiwala naman si Suansing na mabigat ang ebidensyang hawak nito laban sa mga nabanggit na personalidad.

‘Well I’ve been hearing these names for so long. Siguro to be specific, last 6 months namamayagpag na sila. So it’s high time na marami nang nasasaktan dito sa smuggling ng agri-products,” ani Suansing.

Follow SMNI NEWS in Twitter