Bronze medal, nakuha ng Alas Pilipinas Women sa leg 1 ng Sea V-League

Bronze medal, nakuha ng Alas Pilipinas Women sa leg 1 ng Sea V-League

NAKUHA ng Alas Pilipinas Women ang bronze medal mula sa opening leg ng 2024 Southeast Asian V-League.

Kasunod ito ng pagkapanalo nila kontra Indonesia sa iskor na 25-23, 15-25, 25-23, 25-21.

Sa game, nag-ambag si Alyssa Solomon ng National University ng 16 points; habang sina Sisi Rondina ng Choco Mucho Flying Titans at Eya Laure ng Chery Tiggo Crossovers ay nag-ambag ng tig-13 points.

Sina Thea Gagate ng Zus Coffee Thunderbelles ay may ambag na 10 points habang si Fifi Sharma ng Akari Chargers ay may 7 points.

Kaugnay rito, kinilala bilang best setter sa leg 1 ng Sea V-League si Jia de Guzman habang best middle blocker si Thea Gagate.

Sa ngayon, target naman ng Alas Pilipinas Women na mapabuti ang kanilang standing sa second leg ng tournament ngayong Agosto 9-11.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble