Brown rice, tampok sa ika-9 Organic Agriculture Month, National Rice Awareness Month 2023

Brown rice, tampok sa ika-9 Organic Agriculture Month, National Rice Awareness Month 2023

SA isinagawang launching ng 9th Organic Agriculture Month at National Rice Awareness Month 2023, isa sa nais i-promote ng Department of Agriculture-Agricultural Training Institute (DA-ATI) ang pagkonsumo ng brown rice bilang pagtangkilik sa adbokasiyang organic agriculture.

Ngayon buwan ng Nobyembre ay ipinagdiriwang ng DA-ATI Region 1 ang National Rice Awareness Month 2023 kasabay ang ika-9 na anibersaryo ng Organic Agriculture Month.

Sa temang “Be Riceponsible A-B-K-D ng National Rice Awareness Month”, hinihikayat nito ang paghalo ng adlay o mais o saging na saba sa kanin, pagkain ng brown rice, hindi sayangin ang kanin at dapat bilhin ang lokal na bigas ng Pilipinas.

Ayon kay Dr. Marvin Quilantes, Agriculture Focal Person ng Department of Agriculture –Regional Field Office (DA-RFO)-1 Organic, kailangan na maipalaganap ang kamalayan ng pagkonsumo ng organic rice gaya ng brown rice para sa mas malusog na pamayanan.

Aniya, motibasyon ang kailangan para maipalaganap ang kamalayan ng paggamit ng organic agriculture tulad ng brown rice.

“Motivated people would motivate other people. Meaning you practice it. Ako mismo sa bahay namin ipinakain ko sa mga anak ko…talagang hinahaluan ko ng brown rice. Ibig sabihin gawin mo muna. Kung papaano natin maipo-promote kailangan mismo sa ating sarili gawin natin,” ayon kay Dr. Marvin Quilantes, DA-RFO 1 Organic, Agriculture Focal Person.

Isa sa motibasyon ani Quilantes, ang pagkuwento nito sa mga kakilala, kaibigan para tangkilikin ng mga mamamayan ang pagbili ng local brown rice.

Malaki rin anito ang tulong ng media partners para sa kamalayan ng lahat kaugnay sa organic agriculture.

Inamin naman ni DA-ATI Ilocos Region Assistant Dir. Josephine Aben na hindi madali na i-promote ang organic agriculture lalo na sa mga nakatatandang magsasaka.

Aniya, mahirap nang baguhin ang nakasanayan ng mga nakatatandang magsasaka.

“I think kasi the problem is ‘yung mindset ng people and mindset of the farmers.”

 “But ‘yung mga aging farmers natin is that they stick, hindi natanggal sa kanila ‘yung mindset nila na production, production, production.”

 “Pero ang hirap pa rin na sabihin na huwag kayong gumamit ng fertilizer, insecticide, mga inorganic ang hirap ng ganun,” ayon kay Josephine Aben, DA-ATI Ilocos Region, Assistant Director.

Kaya mas mabuti aniyang tutukan ang mga young farmers na ituro sa kanila ang organic agriculture dahil sila ang kinabukasan sa larangan ng agrikultura.

“So the best thing siguro there is ‘yung ating mga young farmers is to advocate as early as now kung ano ba ang O.A. Ano ‘yung rice na puwedeng magamit nila because they are the future farmers,” dagdag ni Aben.

Ibinahagi rin ni Ms. Vida Cacal, Information Officer III ng DA Region 1, ng national data ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) ang nasasayang na kanin sa bansa.

“Sa data po kasi ng PhilRice, about ten grams per person ang wastage po ng bigas. Dalawang kutsarang kanin ang nasasayang ng bawat Pilipino. National data po ‘yan ng PhilRice,” ayon kay Ms. Vida Cacal, DA Region 1, Information Officer III.

Kung susumahin aniya ay magkakahalaga ng P7-M ang nasasayang sa bansa kada araw, kaya payo ni Cacal sa bawat Pilipino ay huwag magsasayang ng kanin.

Samantala, sa isang eksklusibong panayam ng SMNI North Luzon kay Aben, napakahalaga ng kalusugan ng tao kaya kailangang ipalaganap ang kamalayan kaugnay sa organic agriculture.

“We always look for health. We know we spent a lot of money especially if we are unhealthy so we are advocating ‘tong organic kasi nga climate change eh. Andami nang fertilizers…a lot of diseases na puwedeng pumunta sa atin na ngayon senior citizens 60 what if 20 years from now ang senior citizens is already forty or thirty is going down because of health reasons,” ani Aben.

Natutuwa naman si Aben na dumarami na ang bilang ng mga nag-aaplay na maging partner ng ATI para sa training site na handa namang pondohan ng ahensiya.

Paalala ni Aben sa publiko na maging responsable sa pagkain ng kanin, huwag kukuha ng marami kung hindi naman kayang ubusin upang hindi ito masayang.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble