Brownlee, nalalapit nang makamtan ang Filipino citizenships matapos aprubahan ng Kamara ang Naturalization Bill sa ikalawang pagbasa

Brownlee, nalalapit nang makamtan ang Filipino citizenships matapos aprubahan ng Kamara ang Naturalization Bill sa ikalawang pagbasa

NALALAPIT nang makamtan ng Barangay Ginebra San Miguel import na si Justin Brownlee ang Filipino citizenship nito matapos na aprubahan ng House of Representatives sa ikalawang pagbasa ng Naturalization Bill.

Sa kalagitnaan ng pagdinig, inaprubahan ang House Bill No. 6224 via viva voce at walang boto ang sumalungat dito.

Ang nasabing bill ay substitute para sa House Bill No. 825 ni 1-Pacman Party-List Rep. Michael Romero at House Bill No. 0671 ni Parañaque District Rep. Gus Tambunting.

Si Romero na siyang nag-sponsor ng bill ay binanggit kung paano naging malaki ang tulong ni Brownlee hindi lamang sa Philippine Basketball Association kung saan ito naglalaro kundi pati na rin sa iba pang liga kung saan ito tumulong sa mga Filipino teams.

 

 

Follow SMNI News on Twitter