BRP Andres Bonifacio, handa nang magbantay sa Palawan at WPS

BRP Andres Bonifacio, handa nang magbantay sa Palawan at WPS

NAKAHANDA na ang offshore patrol vessel ng Philippine Navy na BRP Andres Bonifacio (PS-17) na gampanan ang “territorial defense functions” nito.

Ito ay matapos isailalim sa sea trial ang barko para sa deployment sa AFP Western Command (WESCOM) na nakasasakop sa Palawan at West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay AFP WESCOM commander Vice Admiral Alberto Carlos, kumbinsido siya sa performance ng barko na naglayag mula Sangley Point, Cavite City hanggang El Nido, Palawan.

Tiwala si Carlos na mapalalakas ng PS17 ang kanilang presensya sa WPS at pagtiyak sa mga oil platform.

Habang sakay ng barko si Carlos, dumaan ito sa Galoc Oil Field na nasa 60 kilometro hilagang kanluran ng Palawan.

Ang Galoc Oil Field ay isa sa mga service contract ng Department of Energy (DOE) na sinisiguro ng WESCOM, gayundin ang Malampaya Gas Fields at ang El Nido at Matinloc Oil Platforms.

Follow SMNI NEWS in Twitter