BRP Antonio Luna ng Philippine Navy, binisita ng multinational counterpart

BRP Antonio Luna ng Philippine Navy, binisita ng multinational counterpart

BUMISITA ang Indian Navy at Royal Malaysian Navy sa BRP Antonio Luna (FF-151) ng Philippine Navy na kasalukuyang nasa Hawaii.

Malugod na tinanggap ni BRP Antonio Luna commanding officer at Naval Task Group 80.5 Commander Captain Charles Merric Villanueva sina Captain Saket Khanna ng Ins Satpura ng India, at Commander Mohd Asri Bin Dasman ng Kd Lekir ng Malaysia.

Inilibot ang mga opisyal sa Jose Rizal-class frigate ng Philippine Navy.

Nagpalitan din sila ng mementos at plaques na naglalayong mapanatili ang magandang relasyon.

Kasalukuyang lumalahok ang 26 bansa, 38 barko, 4 submarine, mahigit 170 aircraft at 25,000 personnel sa RIMPAC 2022 na tatagal hanggang Agosto 4 sa Hawaii at Southern California.

Ang RIMPAC 2022 ay ang ika-28 sa serye ng pagsasanay na sinimulan noong 1971.

Follow SMNI NEWS in Twitter