BRP Gabriela Silang, dumating na sa Indonesia para sa 5 araw na port visit

BRP Gabriela Silang, dumating na sa Indonesia para sa 5 araw na port visit

DUMATING na sa Indonesia ang BRP Gabriela Silang (OPV-8301) ng Philippine Coast Guard (PCG).

Kasalukuyang nakadaong ito sa Port of Bitung, Manado, Indonesia, para sa 5 araw na port visit nito sa bansa na nagsimula nitong Nobyembre 27, 2024 at magtatapos sa Disyembre 2, 2024.

Mainit na sinalubong ang Philippine Contingent ng mga miyembro ng Indonesian Coast Guard sa pangunguna ng kanilang Deputy Operations and Exercise, Rear Admiral Andi Abdul Aziz.

Bahagi ng dayalogo ng dalawang bansa ang mapagtibay pa ang relasyon at ugnayan ng dalawang pamahalaan partikular na sa usapin ng maritime security, peace and stability sa rehiyon.

Ilan sa mga aktibidad ang patrol exercises na pangungunahan ng dalawang coast guards na kauna-unahang ring gagawin ng Indonesia kasama ang Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter