Bruce Lee, posibleng namatay dahil sa labis na pag-inom ng tubig

Bruce Lee, posibleng namatay dahil sa labis na pag-inom ng tubig

NANINIWALA ang ilang Spanish researchers na nag-aaral sa dahilan ng pagkamatay ni Bruce Lee, na ang pag-inom ng maraming tubig ang dahilan ng pagkasawi nito.

Ayon sa mga ito sa kanilang December Edition ng Clinical Kidney Journal, nawalan ng kapasidad ang kidney ni Bruce Lee na magpalabas ng sobrang tubig kaya’t namatay ito.

Ipinaliwanag nila na may multiple risk factors para sa hyponatraemia si Bruce Lee kung saan mas mataas kumpara sa normal ang lebel ng kanyang sodium sa dugo.

Ito’y dahil na rin sa paggamit nito ng marijuana na siyang nagdudulot ng pagkauhaw ng isang tao.

July 1973 pa nang mamatay ang sikat na martial artist sa Hong Kong.

Hindi matukoy kung ano ang ikinamatay nito subalit may nagsasabing dahil sa labis na allergic reaction sa aspirin at maging ang assassination ng gangsters ang ikinasawi nito.

May nagsasabi ring heat exhaustion ang ikinamatay nito.

Samantala, ang pag-aaral na namatay sa labis na pag-inom ng tubig si Bruce Lee ay mababasa sa National Library of Medicine.

Follow SMNI NEWS in Twitter