IPINANGAKO ni Brunei Sultan Hassanal Bolkiah na susuportahan niya pa rin ang peace and stability efforts sa Pilipinas partikular na sa Mindanao.
Sinabi ito ni Bolkiah sa pagkikita nilang dalawa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 40th at 41st ASEAN Summit and Related Summits in Phnom Penh, Cambodia.
Ang bansang Brunei ay parte ng International Monitoring Team at Independent Decommissioning Body sa Mindanao Peace Process.
Sa kanilang pagkikita ay ipinaalam ni PBBM na magkakaroon ng parliamentary election ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa 2025.