INANUNSIYO mismo ng singer na si Bruno Mars na muli itong babalik sa Pilipinas para sa kaniyang solo concert.
Ito na ang ika-4 na nitong pagbisita sa Pilipinas.
Ayon sa 15-time Grammy Award winner, gagawin ang kaniyang concert sa Hunyo 24 sa Philippine Arena.
Pero bago nito ay may nakatakda rin itong schedule sa Seoul Korea mula Hunyo 17 hanggang 18.