BSKE, malalaking aktibidad sa NCR, pag-uusapan sa pagpupulong ng RPOC-NCR

BSKE, malalaking aktibidad sa NCR, pag-uusapan sa pagpupulong ng RPOC-NCR

PAG-uusapan sa 2nd Quarter Full Council Meeting ng Regional Peace and Order Council–National Capital Region (RPOC-NCR) ang paghahanda para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at iba pang malalaking aktibidad sa Metro Manila.

Inihayag ni RPOC chairperson at San Juan City Mayor Francis Zamora ang pangangailangan sa paghahanda para sa mga malalaking kaganapan upang aniya ay matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Kabilang din sa pinaghahandaan ayon kay Zamora ay ang Palarong Pambansa at ang FIBA World Cup.

Bahagi rin sa agenda ng pagpupulong ay ang pagbibigay ng updates sa kasalukuyang sitwasyon ng peace and order sa Metro Manila.

Pag-uusapan din sa second quarter ang institutionalization ng Citizen Armed Forces of the Philippines Reservists program.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter