NAGING mapayapa ang isinagawang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Roxas Elementary School, District IV, Cotabato City.
Ito ay sa kabila ng pagiging ‘area of grave concern’ nito dahil sa shootout na nangyari noong Lunes ng gabi na kumitil sa buhay ng tatlong tao at ikinasugat ng dalawa pa.
Kaugnay nito nagsilbing Board of Election Inspectors (BEI) ang mga opisyal ng pulisya matapos ang mga guro ay umatras sa poll duty.