IPINAKITA ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko ang unang Philippine polymer banknote series sa ginanap na seremonya sa Malacañang ngayong Huwebes, Disyembre 19.
Tampok ang Visayan spotted deer sa P500 bill; Palawan peacock-pheasant naman sa P100, habang ang Visayan leopard cat sa P50 bill.
Una nang inilabas ang P1,000 polymer banknote noong 2022.
Magagamit ang bagong polymer notes simula sa Lunes, Disyembre 23 ngunit limitado pa lang sa Greater Manila area.
Sa Enero 2025 naman available sa buong bansa ang bagong pera.