BTS member Jin, sisimulan ang military enlistment sa Disyembre

BTS member Jin, sisimulan ang military enlistment sa Disyembre

MAGSISIMULA na sa kanyang military enlistment sa Disyembre ang BTS member na si Jin.

Ayon sa isang South Korean media, ang 29 na taon na si Jin ay magsisimula ng kanyang 5-araw na basic training sa Disyembre 13 sa Yeoncheon County sa Gyeonggi Province.

Inaasahan naman na madedeploy ang K-pop artist sa frontline unit  matapos ang training nito.

Una nang nagkomento ang Big Hit Music na mahirap pang kumpirmahin kung totoo ang article na ito pero nagpakita si Jin sa isang fan community app na Weverse at kinumpirma ito.

Matatandaan na ang military enlistment sa South Korea ay mandatoryo sa lahat ng lalaking may kakayahan at kadalasang nagtatagal ng 18 buwan.

 

 

Follow SMNI News on Twitter