MULA sa 18 months na pagsisilbi sa military, this time ay ipinakita naman ni Suga ang kabutihang loob at pagtulong sa kapwa. Nag-donate lang naman kasi ang idol ng 5 billion won o 207 million pesos para sa treatment center ng mga batang may autism.
Ito ay inilabas sa pamamagitan ng official announcement mula sa isang representative ng Yonsei Severance Hospital sa Seoul, South Korea. At bilang pasasalamat kay Suga, tatawagin ang nasabing facility bilang “Min Yoon-gi Treatment Center.”
Ang treatment center ay malaking tulong para masuportahan at maibigay ang mga karapatdapat na tulong at suporta ng mga bata at adolescent na may autism spectrum disorder. Magbibigay din ito ng libreng language training, psychological and behavioral therapies sa mga bata para maagapan at hindi na lumala ang autism.
At siyempre bilang isang sikat na idol, gusto rin ni Suga na matuto ng music ang mga beneficiary, kaya naman hindi mawawala ang music-based programs para sa pag-improve ng social at emotional expression ng mga bata.
Si Suga ay matagal ng advocate ng youth mental health awareness, kaya naman isa itong malaking fulfillment para sa kanya.
Natuwa naman ang ARMIES sa ipinakitang kabutihang loob ni Suga at, patunay na hindi lang siya isang talented na rapper at dancer, kundi isa ring good Samaritan.
Ngayong araw ay isinagawa na ang groundbreaking ceremony ng center, at nakatakda itong buksan sa Setyembre ngayong taon.