SA wakas ay na-discharge na ang pinakahuling BTS member na nakakumpleto ng kanyang mandatory military service.
Na-discharge si Suga nito lang Sabado, June 21 bilang isang social service agent.
Agad naman na nag-post ang idol sa social media na humihingi ng patawad dahil sa kanyang drunk driving noong 2024 habang minamaneho ang kanyang electric scooter, at nakapagmulta ng 15 million won o 11,500 US dollars.
Huling nag-enlist si Suga sa military noong September 22, 2023, dahil sa kanyang shoulder injury at nagsibli billang social service worker- na isang alternative form of service sa military.
Hindi naman pinaalam sa publiko ang buong detalye ng pag-discharge sa idol noong Sabado.
Sa kabila nito, mas na-boost naman ang excitement ng ARMIES dahil nakatakdang magbalik sa stage ang pitong miyembro ng grupo sa susunod na taon.