Bagong parliament house ng Thailand, bubuksan sa susunod na buwan

BUBUKSAN sa susunod na buwan ang bagong gusali ng parliamento ng Thailand.

Opisyal nang bubuksan sa susunod na buwan ang Sappaya-sapasathan, bagong parliament house sa Thailand.

Ang bagong parliamento na ito ay bubuksan sa Mayo 1 matapos ang 8 taong konstruksyon.

Ito ay matapos makumpleto na ang landscaping nito at kasalukuyan nang nilalagyan ng mga kagamitan sa loob.

Ilang parte ng gusali ang malawakang lugar para sa pagpupulong ng senado at house of representatives.

Ang bagong gusali na ito ang papalit sa orihinal na parliamento malapit sa Dust Zoo.

Ang Sappaya-sapasathan ay may lawak na 424,000 square meters at nagkakahalaga ng 2 bilyong Baht.

Samantala, kaya din nitong mag-accomodate ng higit sa 5,000 mga tao at may parking space para sa halos 2,000 mga kotse. At ang pangunahing tampok ay ang pagoda sa gitna ng gusali.

Ito ang lugar ng pagpupulong ng dalawang silid: ang Senado, at ang House of Representatives. Mayroon ding mga museo, isang convention center isang seminar room, isang banquet hall at isang office room.

(BASAHIN: Prime Minister ng Thailand, binigyang-diin na nagbigay ng humanitarian assistance sa Myanmar refugees)

SMNI NEWS