NAKATANGGAP ng papuri mula kay Senador Bato dela Rosa ang Bureau of Corrections (BuCor) sa ilalim ng pamamahala ni Director General Usec. Gerald Q. Bantag.
Ito ay dahil sa BuCor computerization na isa sa mga paraan tungo sa modernisasyon ng BuCor.
Sa naganap na Finance Subcommittee ng Department of Justice (DOJ) at mga kalakip nitong ahensya noong Setyembre 20, 2022, pinalakpakan ni Sen. Dela Rosa si Usec Bantag sa kanyang pagsusumikap na ma-computerize ang buong sistema ng kaniyang tanggapan.
Nagpahayag din ng pasasalamat ang senador dahil ang pag momodernize ng sistema ang siyang daan para wakasan ang katiwalian sa loob ng mga pasilidad ng bilangguan.