ISASALANG sa review ng Bureau of Corrections (BuCor) ang kanilang mga polisiya hinggil sa pagbiyahe ng mga persons deprived of liberty (PDLs).
Layunin ng pagsusuri na matukoy ang mga kahinaan sa kasalukuyang sistema at magpatupad ng mas mahigpit na patakaran upang matiyak ang kaligtasan sa pagbyahe ng mga detainee.
Kasunod ito ng insidente noong Abril 7, 2025, kung saan inatake ng isang Chinese detainee ang mga personnel ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) habang sila ay binabiyahe.
Follow SMNI News on Rumble