SINIMULAN na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang paghahanap ng mga lugar sa loob ng mga piitan at penal farms sa bansa na maaaring paunlarin bilang eco-tourism sites.
Layunin ng BuCor dito ang makatulong sa rehabilitasyon ng mga bilanggo kasabay ang pagpapalalim ng ugnayan sa kalikasan at paglago ng ekonomiya.
Sinabi na ng BuCor na mayroon itong higit sa 48,500 na ektarya ng lupa na maaaring gawing agricultural, aquaculture, at economic zones.
Kung isasagawa man ay sa operating prison and penal farms ito ng BuCor gaya ng National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa; Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong; Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Palawan; at Davao Prison and Penal Farm (DPPF) sa Davao del Norte.
Maging sa San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City; Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro; at Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte.