WALANG itatayo ang Bureau of Corrections (BuCor) na jail facilities sa 270 ektaryang lupain na kanilang pinagmamay-ari sa Masungi Georeserve sa Tanay, Rizal.
Ang pahayag ay tugon ng BuCor sa panawagan na hindi magtayo ng anumang pasilidad na makasisira sa ecology at sustainability ng lugar.
Tanging detachment facility lang para sa forest rangers ang itatayo doon ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang.
Isa sa layunin ng detachment facility ang tugunan ang kanilang obligasyon at responsibilidad sa conservation area bilang parte ng national heritage.
Ang 270 ektarya na lupain sa Masungi ay ibinigay sa BuCor sa pamamagitan ng Proclamation No. 1158 ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2006.