Buddy Hield, maglalaro na para sa Golden State Warriors

Buddy Hield, maglalaro na para sa Golden State Warriors

MAGLALARO para sa Golden State Warriors si Buddy Hield ng Philadelphia 76ers sa pamamagitan ng isang sign-and-trade deal.

Nagkakahalaga ang deal ng 21 million dollars kung saan ang 18 million dollars dito ay matatanggap ni Hield sa unang dalawang taon nito sa warriors.

Ang natitirang 3 million dollars ay isang partial guarantee para sa 2026-2027 season.

Si Hield ay nagsisilbing pamalit ng Warriors kay Klay Thompson na maglalaro na para sa Dallas Mavericks.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble