Budget ng DOH, kinuswestyon ni Tulfo; Overstocking at malapit ma-expire na gamot, dinepensahan ni Cayetano

Budget ng DOH, kinuswestyon ni Tulfo; Overstocking at malapit ma-expire na gamot, dinepensahan ni Cayetano

DINIPENSAHAN ni Senador Pia Cayetano ang proposed P29.1-B budget ng Department of Health (DOH) para sa taong 2023.

Matapos itong kwestyunin ni Senate Finance Committee Chairman Senador Raffy Tulfo ang overstocking at expired na gamot dahil sa kapabayaan ng DOH.

Sinagot naman ito ni Cayetano, at sinabing ang mga gamot ay hindi expired at ang isyung ito ay pumutok bago pa man ang pandemya.

Dagdag pa nito, na kung babawasan ang nasabing budget, marahil kukulangin ang supplies ng gamot para sa susunod na taon.

Iginiit din ni Cayetano na mas naging efficient ang mga kawani ng DOH sa pagbibigay sa serbisyo lalo na sa pamamahagi ng gamot at ibang health supplies.

Matatandaan na, nauna nang hiniling ng DOH ang karagdagang P27-B na pondo para sa health emergency allowance ng mga medical frontliners.

Follow SMNI NEWS in Twitter