Budget para sa gadgets sa darating na pasukan sa Lungsod ng Maynila, higit P1-B

Budget para sa gadgets sa darating na pasukan sa Lungsod ng Maynila, higit P1-B

MULA sa P900 milyon ay umabot na sa higit isang bilyong piso ang inilaang budget ng Manila City Government para sa mga laptop ,tablets at wifi na ipamamahagi sa mga guro at estudyante ngayong darating na pasukan sa Lungsod ng Maynila.

Sinabi ni Manila City Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso na tumaas ang naturang budget dahil sa higit 25,000 na mga studyante sa private schools ang nagsilipatan sa public school sa Maynila.

Gayunpaman para kay yorme ,welcome pa rin sa Manila LGU ang libo-libong mga transferee mula sa private schools dahil sa naniniwala ang alkalde na maraming naapektuahan ang kabuhayan dahil sa COVID-19 pandemic.

Samantala, ngayong araw naman ay pinangunahan ni Mayor Isko Moreno ang ceremonial turn over sa 110,700 piraso ng tablets ,286,000 piraso ng Globe sim cards na may 10GB data allocation monthly para sa mga estudyante ,11,000 piraso ng laptops at 11,000 piraso naman ng pocket wifi sa Division of City School of Manila.

Ipapamahagi sa mga public school teachers at mga estudyante mula elementary hanggang high school sa Lungsod ng Maynila ang nasabing mga kagamitan pingungunahan din ni Division of City Schools Dr. Magdalena Lim.

Matatandaan una na rin pinuri ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones si Mayor Isko Moreno Domagoso dahil sa maagap nitong pakikipag-ugnayan sa kagawaran tungkol sa mga uri ng gadget ang mga dapat na gagamitin sa pagpapatupad ng blended learning.

Gayong tinitiyak lamang ng alkalde na matutugunan ng Manila LGU ang mga pamantayang itinakda ng DepEd para na rin sa kapakanan ng mga mag-aaral sa Lungsod ng Manila.

Ngayong darating na Miyerkules ay sisimulan na rin ang pamamahagi ng mga naturang gadgets sa mga teachers at students sa Manila.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.