Budget para sa Barangay Development Program, ibabalik sa orihinal na P20-M – NSA Carlos

Budget para sa Barangay Development Program, ibabalik sa orihinal na P20-M – NSA Carlos

IBABALIK ang orihinal na 20 million pesos budget para sa Barangay Development Program ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ayon kay National Security Adviser (NSA) Clarita Carlos sa panayam ng SMNI News, ito’y dahil maraming proyekto ang naapektuhan nang tinapyasan ng 16 million pesos ang P20-M na ipinanukalang budget dito para ngayong taon.

Nilinaw naman ni Carlos na ang NTF-ELCAC ang daan upang maresolba ang insurhensya sa bansa kung kaya’t hindi nila ito bubuwagin, bagkus, palalakasin pa itong lalo.

Sinabi rin ni Carlos na ang NTF-ELCAC ang siyang daan upang maresolba ang insurhensiya sa bansa at binigyang diin na hindi na kailangan na kumitil ng buhay para makakuha ng ipinaglalabang hustisya.

Sa huli, sinabi pa nito na walang nagwagi na bansa matapos naging komunista ang mga ito. Nilinaw rin ng Security Adviser na wala siyang inihahayag na gusto niyang buwagin ang NTF-ELCAC.

Follow SMNI NEWS in Twitter