Budget sa umuwing OFWs simula pandemic umabot sa halos P30-B – OWWA

Budget sa umuwing OFWs simula pandemic umabot sa halos P30-B – OWWA

KINUMPIRMA ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Atty. Hans Leo Cacdac na umakyat sa halos P30-B ang budget na inilaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga umuuwing overseas Filipino worker (OFWs) sanhi ng COVID19 pandemic.

Sa panayam ng SMNI News kay Atty. Cacdac, sinabi nito na kung sa pondo lamang ng OWWA ay hindi kakayanin ang 1.5B para sa gastusin ng mga umuuwing OFW dahil sa pandemic.

Ani pa Cacdac sa budget ng mga OFW na binigay ng Pangulo para sa pagkain, facility based quarantine, libreng RT-PCR test at transportasyon sa mga umuuwing OFWs ay halos nasa P30B na ito.

Sa ngayon aniya, itinigil muna ang sweeper flight at chartered bus sa mga umuuwing OFW, dahil 95% sa mga kanila ay hindi na nag-a-avail ng libreng transportasyon at nasasayang lamang aniya ang pera na inilaan ng pamahalaan.

Sa kabila nito tutulong pa rin ang OWWA sa mga OFW na makauwi sa bansa kung kinakailangan.

BASAHIN: OFWs sa abroad, tumaas ang interes ng pagboto sa eleksyon dahil kay Pang. Duterte – OFW group

 

Follow SMNI News on Twitter