SA pakikipagtulungan ng Quezon City-LGU sa Department of Agrarian Reform (DAR) at Department of Agriculture ay ilulunsad nito ang pitong ektarya ng lupa sa Bagong Silangan para sa Buhay sa Gulay project ng lungsod.
Layunin ng Buhay sa Gulay project na maging alternatibong mapagkukunan ng pangkabuhayan ng mga residente sa pamamagitan ng pagtatanim ng gulay.
Sa pamamagitan ng nasabing proyekto, tuturuan ang mga benepisyaryo o sasanayin ng mga farmer scientist ng DAR-CALABARZON kung paano ang tamang hakbang sa pagtanim ng mga gulay.
Magbibigay naman ang DA ng mga tools o makinarya na gagamitin ng mga benepisyaryo sa pagtatanim.
Nakipag-partner din ang LGU sa Technical Education and Skills Development o TESDA na magbibigay sa mga benepisyaryo ng iba pang pagsasanay na kakailanganin sa nasabing proyekto.
Ang farm project na ito ng LGU kasama ang mga nasabing ahensiya ay inaasahang makapagdudulot ng 765 metric tons ng vegetables gaya ng talong, sitao, pechay, okra, ampalaya at kalabasa.
Matatandan naman na una na ring inilunsad ang Buhay sa Gulay Project sa lungsod ng Manila.