‘’Build, Build, Build’ program ni PRRD, matagumpay

‘’Build, Build, Build’ program ni PRRD, matagumpay

NANINIWALA ang mayorya sa mga presidential candidate na matagumpay ang Build, Build, Build’ program ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Nagpahayag din ang mga ito na kanilang ipagpatuloy ang BBB project sakaling mahalal bilang pangulo.

Maliban sa itutuloy, may kanya-kanyang version din ang mga ito.

Ayon kay Ernesto Abella, itutuloy niya ang BBB ngunit tututukan niya ang edukasyon ng mga kabataan sa larangan ng science, technology, engineering at matematika.

Habang si Mayor Isko Moreno ay mas tututukan ang pabahay, eskuwelahan, internet, kuryente at post-harvest facility para sa mga tao.

Itutuloy naman din ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang ‘Build, Build, Build program ngunit aniya nasa 12 lamang sa 118 na mga proyekto ang natapos.

Hindi naman masasabi ni Senator Manny Pacquiao kung matagumpay na ang programang ‘Build, Build, Build’ ng Pangulo dahil hindi pa ito tapos lahat ngunit itutuloy niya ang programa lalo na sa Visayas at Mindanao.

Bukas din si Vice President Leni Robredo na ipagpatuloy ang ‘Build, Build, Build program ni Pangulong Duterte kung sakaling manalo at pagtutuunan ang pagsasaka, patubig at pampublikong sasakyan.

Aniya, hindi ito tatawaging Build, Build, Build program dahil lahat ng imprastraktura ay kinokonsiderang ‘infrastructure program.’

Salungat naman si Ka-Leody de Guzman at sinabi na mas lalo lamang lumobo ang utang ng bansa dahil sa programang ito at dapat mas inuuna ng gobyerno ang COVID-19 response.

“Walang kwentang gobyerno! ‘Yung basic na kailangan ng mga mamamayan ay hindi natutugunan. ‘Yun ang aking pagtingin sa nangyaring Build, Build, Build na ito. Binao tayo sa grabeng utang!” ayon pa kay de Guzman.

Follow SMNI News on Twitter