Build, Build, Build projects, ibinida ng DPWH sa isinagawang Pre-SONA

Build, Build, Build projects, ibinida ng DPWH sa isinagawang Pre-SONA

IBINIDA ni DPWH Secretary Mark Villar ang mga natapos at nakumpleto nang mga proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build Program sa isinagawang Pre-SONA Forum.

 

Inisa-isa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang na-accomplish na mga proyektong pang-imprastraktura sa ilalim ng Build, Build, Build Program ng gobyerno.

 

Sa pag-arangkada ngayong araw ng tatak ng pagbabago, Pre-SONA Forum, kung saan nagreport ang mga kalihim ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan kaugnay ng kanilang mga nagawa bago ang main State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 27, kabilang sa sumalang ang infrastructure cluster sa pangunguna ni DPWH Secretary Mark Villar para ihayag ang narating ng Build, Build, Build Program ng pamahalaan at iba pang proyektong pang-imprastraktura.

 

Ayon kay Villar, as of May 2020, nakumpleto na ang proyektong 1,540 kilometers na farm to market roads maging ang 1,950 km na tourism roads.

 

Dagdag pa ni Villar, ang Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway (TPLEX) naman, ay fully-utilized na at mababawasan na ang travel time sa pagitan ng Tarlac City at Rosario, La Union mula 3.5 hours, magiging isang oras (1 hour) na lamang ang byahe at 20,000 travelers kada araw ang makabebenepisyo rito.

 

Ibinahagi pa ni Villar na kasalukuyan pinalalawak ang Paridel By-Pass Road habang ang konstruksyon ng Angat Bridge at Tambubong Bridge ay nagpapatuloy din.

 

Nagpapatuloy din ang construction sa pinakamahabang tulay sa Pilipinas, ang Pangul Bay Bridge, na may 3.7 km ang haba.

 

Maliban dito, as of May 2020, 8,941 flood mitigation projects, structures, at drainage system projects ay nakumpleto na rin.

 

Pagdating naman sa mga paliparan, inihayag ng DPWH Secretary na nakumpleto na rin ng Department of Transportation (DOTr) ang kabuuang 180 airport projects simula pa 2016.

 

Inaasahan namang magiging operational na ang Bulacan International Airport pagkatapos ng 4 hanggang 6 taon mula sa simula ng konstruksyon nito ngayong 2020.

 

Naitayo na rin ang bagong passenger terminal building sa Clark International Airport.

 

Ipinagmalaki naman ni Villar na ang na-recognized ngayon ang NAIA na isa sa most improved airports sa buong mundo.

 

“We have night-rated a total of 22 airports and targeting to have 13 more airports night-rated by 2022,” pahayag ni Villar.

 

Samantala, bukod kay DPWH Sec. Villar, sumalang din ang economic development cluster ni Pangulong Duterte sa pangunguna nina Finance Secretary Carlos Dominguez III at National Economic and Development Authority (NEDA) Chief Acting Secretary Karl Kendrick Chua pati si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno.

 

Sumentro naman ang kanilang report sa kung paano maibabalik ang sigla ng ekonomiya.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.