NILINAW ng Municipal Tourism Officer ng General Luna, Siargao na si Arcely Gallentes na bukas na sa turista ang lugar ngunit bawal pa rin ang mag-party at alak.
Bukod pa rito, ipinapatupad ang curfew sa lugar simula alas 9 ng gabi hanggang alas 5 ng umaga.
Tiniyak naman ni Gallentes na may mga pulis na mag-iikot upang masiguro na walang magpa-party.
Ipinasara na rin ang isang establishment sa lugar na nahuling nag-party.
Sa mga turista na pupunta sa General Luna, Siargao kailangan mag-presenta ng negative RT-PCR test, valid ID, detalye ng flights at kumpirmadong booking.