Bulacan Airport project, inisyuhan ng Environmental Compliance Certificate

Bulacan Airport project, inisyuhan ng Environmental Compliance Certificate

NAG-isyu ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng Environmental Compliance Certificate (ECC) sa San Miguel Aerocity Inc. para sa planong international airport sa Bulacan.

Ayon sa environmental group at mga eksperto, ang planong airport ay maaaaring makasama sa mga komunidad at ecosystem ng Manila Bay.

Ang sertipiko ay sa mga rekositos para sa P740 billion airport project upang payagan itong ipagpatuloy.

Sinabi ni EMB Central Luzon Director Wilson Trajeco, kapag nag-isyu ng ECC, inaasahang magi-implementa ng mga hakbang na iprinesenta sa environmental impact statement study (EIS) na layong protektahan at mapigilan ang epekto ng proyekto sa kalusugan ng mga komunidad at kaligtasan ng kapaligiran.

Dagdag ni Trajeco, maaari lamang na ipagpatuloy ang proyekto kung makakakuha ang mga ito ng lahat ng kailangang permits mula sa ahensya ng pamahalaan.

Ang nasabing airport ay may lawak na 2,565 na ektarya at itatayo sa barangay bambang at taliptip sa bayan ng bulacan na dating tirahan ng mga bakawan at coastal villagers.

SMNI NEWS