PUMUTOK na naman ang isang bulkan sa Reykjanes Peninsula sa Southwestern Iceland.
Sa tala, ang volcanic eruption na ito ay nagsimula pa noong Disyembre 2023 at hanggang nitong Miyerkules, Nobyembre 19 ay 7 beses na itong nangyari.
Bagamat wala itong dalang banta sa air travel, sanhi naman ito ng pagkasira ng mga imprastraktura at ari-arian sa Grindavik, ang kalapit na lugar nito.
Ang ilan din sa mga nakatira dito ay nilisan na lang ang lugar para sa kanilang kaligtasan.