HUMINAHON na ang Bulkang Kanlaon kasunod ang pagputok nitong Lunes, Disyembre 9, 2024.
Ngunit binigyang-diin ni Gov. Eugenio Jose Lacson na hindi pa rin maaaring bumalik sa kani-kanilang mga bahay ang mga nagsilikas na mga residente malapit sa Bulkang Kanlaon.
Ang mga apektadong residente ay nagmula pa sa La Castellana, Murcia, Moises Padilla, Pontevedra, La Carlota, at Bago ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council.
Kaugnay rito ay nakatakdang isailalim ang buong probinsiya sa state of calamity para magamit ang 30-percent sa kanilang Quick Response Fund na nagkakahalaga ng P78M.