Bulkang Kanlaon, muling nagbuga ng abo

Bulkang Kanlaon, muling nagbuga ng abo

NAGKAROON muli ng pagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon.

Tumagal ito ng 29 minuto batay sa 5 AM update ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong Enero 8, 2025.

Nagkaroon din ito ng 14 volcanic earthquakes kabilang na ang isang volcanic tremor na tumagal din ng 29 minuto.

Umabot naman ng 300 metro ang taas ng naitalang pagsingaw mula sa naturang bulkan at nasa 2924 tonelada ang asupreng ibinubuga nito simula nitong Enero 7.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble