PUMUTOK ang Kanlaon Volcano kahapon, December 23, 2024, bandang 12:30 PM, na naglabas ng 1.2-kilometrong dark ash plume na patungo sa hilagang-kanluran. Kasalukuyan ding nakakaranas ang bulkan ng mahinang low-frequency volcanic earthquake at inaasahang magkakaroon ng ashfall sa mga komunidad ng Negros Occidental na nasa direksiyong ito.
Mananatiling nasa Alert Level 3 (magmatic unrest) ang bulkan na nangangahulugang mataas ang posibilidad ng biglaan at mas malakas na mga pagsabog.
Pinapayuhan ang lahat na manatili sa labas ng 6-kilometer danger zone at mag-ingat sa mga panganib tulad ng pyroclastic density currents (PDCs), pagbagsak ng bato, pag-agos ng lava, at pagbaha o lahar kapag may malakas na ulan.
Ang mga LGUs at DRRM councils ay pinapaalalahanang maghanda para sa posibleng evacuation at mag-monitor ng kalagayan ng panahon para maiwasan ang mas malalang epekto ng pagsabog.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.