NAGKAROON na naman ng ash emissions ang summit crater ng Bulkang Kanlaon nitong Huwebes, December 5, 2024.
Sa monitoring ng Kanlaon Volcano Observatory, nangyari ito sa pagitan ng 08:14am hanggang 08:26am, 12:48pm hanggang 01:10pm, 01:34pm hanggang 01:47pm at 02:21pm hanggang 02:37pm kahapon.
Nananatili parin namang nasa alert level 2 ang Bulkang Kanlaon.
Samantala, batay sa update rin ng PHIVOLCS hanggang kahapon, nagkaroon ng isang rockfall event ang Bulkang Mayon.