NAGKAROON ang Bulkang Kanlaon sa Negros Islands ng 27 volcanic earthquakes kabilang na ang 9 volcanic tremors.
Batay ito sa pinakalatest na inilabas na update ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kaninang alas singko ng umaga, Enero 3, 2025.
May pagbuga rin ito ng abo na nagtagal ng lima hanggang 116 na minuto.
Nasa 4861 tonelada naman ang asupreng ibinubuga ng Bulkang Kanlaon.
Samantala, ang Bulkang Mayon sa Albay batay sa January 2 monitoring ng PHIVOLCS, nagkaroon ito ng 2 volcanic earthquakes at apat na rockfall events.
At simula pa noong Disyembre 2, 2024, nasa 1058 tonelada ang asupreng ibinubuga nito araw-araw.